MOOD:

"I don't get it."
Finally, isang maayo na entry after a light year nang panonood ng AI 7 replays. Sobra, nakakapagod din palang manood ng TV pamula 11 am-12 am the next day. At nakatutok lang kami sa isang channel-well, occasionally, titingin sa ibang channel. [Napanood ko yung New York Fashion Week Review chuba sa ETC, pati yung replay, at type ko ang mga gawa ni Michael Kors ba yun?] Ibang klase ang QTV, kinalimutan nila lahat ng show nila para sa replays-and I love them this week.
Tapos na ang enrollment. At nakuha ko nadine ang registration card ko lately. 3-17, ladies and gentlemen. Part of me says it's my fault kung bakit we got the lowest section [numerically], dahil hindi ako nagising ng maaga at nakapasok ng 5.30 am para mareserve ang 10. Pero narealize ko din na siguro, talagang hindi para sa amin ang section na yun. [Kasi, madami rin pala ang may gusto dun-at umabot sa puntong inapela yun sa 'korte' dahil kesyo ganyan ganito-whatever.] Pero OK nadine, dahil maayos ang schedule. 10 am-4.30/6 pm, para maiba naman. Ang isa pang nakakaloka, mukhang maraming terror ang mapupunta sa amin-di ko alam kung bakit. Makapal na ang mukha ko, pero matatalino ang mga kaklase ko. I mean, kahit last section kami, hindi kami patapon. [Mwahaha.] Totoo naman yun. Matitiyaga ang mga tao, [kahit sa pangongopya, nyahaha.] at tulungan kung tulungan. Okay, okay, masaya na ako sa 3-17, i think everything happened para masubukan kong baguhin ang biological clock ko.
Hindi ko alam kung may problema padin ako sa college groupies ko. Well, kay Tina-chan, mukhang wala na. That girl, she's exceptional-very well rounded as a student, very nice, amazingly knowledgeable. Siguro minsan may mga misunderstandings, pero hindi ko matake na hindi siya lapitan. Siguro sa kanilang anim, siya yung kavibe ko sa ilang mga bagay na parang talagang siya lang yung makakausap ko about ganito ganyan-basta ganun. And she's very understanding. Siguro nga, hindi lang siya expressive sa malalalim na emosyon, pero she's ready to forget everything kung ikaw sa sarili mo, handa ka ding gawin yun. Isa rin siya sa Kanila na nakakaalam sa maraming maraming kadaldalan ko sa buhay. Wahaha. Kasi pag nag-uusap kami, parang information overload. Andami kong nalalaman sa kanya, and I hope madami din siyang nalalaman ko. [Kahit 90% dun eh chismis. Nyay.]
Okay, why am I typing all this? Ahaha. My paranoia kills the hell out of everything. Kagabi, napanaginipan ko ang first day of classes-at humiwalay na ako sa Kanila. I mean, talagang nakaupo ako sa ibang part ng room, and we were habing Cost Accounting. Kinakausap ko padin naman sila as an individual pero hindi na ako sumasama sa kanila. I was seated at the back, at in fairness, naiintindihan ko daw yung lessons. Mwahaha.
Kay Josephine, I'm not sure. Well, recently. Last last week nakatext ko pa siya at alam ko she's one of them na makakasundo ko kaagad kahit sa text lang. Pero naman kasi, isang linggo akong nagtetext, di naman nagrereply. Kaya malay ko bang pupunta pala siya recently. At hindi man ako naantay. I don't know of any reason kung bakit kailangan niyang magmadali, pero mukhang yun nga. [Alam kong hindi niyo ako maintindihan, pero wag niyo nalang intindihin. Ahaha.] Kinakabahan ako dahil she's the closest She. Para ko na kasi siyang Ate [literally and figuratively] kaya parang ang akward naman kung hindi ko siya papansinin sa first day because of my pathetic presumption.
Speaking of first day, feel ko talagang magpalate. Yung tipong 10.30 na ako dadating. Ang saya nun pag magsasabay pa kami ng dating ng Professor. Mwahaha. VIP? Hindi naman. Lagi nalang kasi akong maaga. Eh wala din namang gagawin, magdadaldalan lang. Kaya sabi ko kay Ate Tina, isave nalang niya ako ng upuan. Ahaha. Kung wala akong upuan pagdating ko, kahit sino nalang tatabihan ko. Nyay.
Naalala ko tuloy yung sabi ni Mico na magpakaemo daw kami this sem. Well, naisip ko na parang masaya nga yun, dahil hindi naman daw kami maglalaslas. Pero naisip ko din na baka mamatay ako pag ginawa namin yun. Ang hirap kaya kapag nasa stage ka ng kadramahan-nakakadepress talaga. Lucky for me, nakakaisip ako ng mga nakakatuwang bagay para makaalis sa stage na yun. Eh tapos pa, 6 na Accounting subject ang nasa course outline namin ngayon, 1 Law, making that 7 major subjects, 7 departmentals, uber nosebleed. Mamamatay talaga ako kapag pinagsabay ko ang Emo at Accounting. Sabi ko nga kay Erika, dapat mas maging masaya ang mga tao at kalimutan ang ibang problema sa buhay kapag nasa eskuwela dahil nakakaloka ang mga subjects. Ahaha. At madaming madaming anti-depressant. [Not to mention, mga 10 plastic drums, at sangkatutak na roll ng tissue. Ahaha.]
Mukhang wala akong pakialam kay Stress-eh kasi sanay na kami sa kanya, kasama pa madalas si Cram. Ang importante ngayon eh malakas na sense ng positivism at rally against Depression. Kasi kakayanin naman ang mga subjects, technically.
Okay, nawala na ako. Ahaha. At ayoko ng ituloy. Baka kung anu-ano pa ang maitaype ko. Excited na akong mag First Day. [Nasabi ko na ata ito sa isa kong post.] Excited na kasi akong makakuha ng mga libro kahit hindi pa nababayaran-isa sa mga bagay na ikinatuwa ko sa PUPCoA. The books are given in advance [sa Accounting subjects lang naman. Eh since, Accounting majors na kami, [[EHEM!]] lahat yun.] at magaalot ang mga Professor ng isa-dalawang linggo para bayaran mo yun. Well, depende sa Prof-kasi si Sir Baguino, kahit hanggang after midterm ka pa magbayad, OK lang sa kanya-basta magbayad ka.
Gawd, what's this ranting all about? Hindi ko din alam. Ang dami ko pa sana sasabihin pero nakalimutan ko na yung ibang hindi ko natype dito. Kaya sa susunod nalang ulit.

"You're slooow, Nadine."